Senador Loren Legarda, hindi interesadong maging Senate president

Bagamat isa sa mga Senior member ng Senado, hindi raw interesado sa pwesto sa pagka Senate president si Senador Loren Legarda.

Aniya naimbita na siya sa mga meeting hinggil dito.

Kapartido ni Legarda sa Nationalist Peoples Coalition sina Senator JV Ejercito , Sherwin Gatchalian at Chiz Escudero.

Noong nakaraang linggo, magkakasamang nanood ng UAAP basketball sina Legarda, Zubiri, Senador Sonny Angara, Grace Poe, Nancy Binay at Ejercito.

Pero sinabi ni Zubiri, get together lang ito at nanood lang ng UAAP game at walang ibang agenda.

Pero si Angara inaming nauna siyang kinausap ni Zubiri.

Sinabi niya raw ito kay Villar pero kung siya raw ang tatanungin mas gusto na magkasama ang dalawa sa isang block sa Senado.

Kukonsultahin naman ni Senador Christopher Bong Go ang kaniyang partido na PDP laban at pag-aaralang mabuti bago magpasya kung sino ang susuportahan.

Pero wala pa raw nanliligaw sa kanya ngayon para sa Senate presidency race.

Meanne Corvera

Please follow and like us: