Senador Manny Pacquaio handang sumailalim sa hair follicle test

Inilabas na rin ng kampo ni Senador Manny Pacquiao ang drug test result sa kanya dahil sa blind item ng Pangulo sa kandidatong gumagamit umano ng cocaine.

Ayon sa Senador , dalawang beses siyang isinailalim sa drug test ng Voluntary Anti-Doping Association O VADA noong July 28 at September 8 bago ang kaniyang laban kay Youdenis Ugas sa Las vegas Nevada.

Sa naturang pagsusuri negative siya sa illegal drugs at iba pang performance enhancing drugs tulad ng steroids , cocaine, at shabu mas matindi pa raw ito sa regular drug test na ginagawa sa Pilipinas .

Gayunpaman, nakatakda pa rin siyang sumailalim sa hair follicle test at naghahanap na lang ng laboratoryo na maglalabas ng mas mabilis na resulta.

Nauna nang nagpadrug test sina Senador Ping Lacson, Vicente Sotto at dating Senador Bongbong Marcos para patunayang hindi sila ang tinutukoy ng Pangulo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: