Senador Manny Pacquaio, umalma sa No permit, no campaign ng Comelec,pakikipagkamay at selfie sa mga botante itutuloy

Tuloy ang pakikipagdayalogo at pag-abot ni Senador at Presidential Manny Pacquaio sa mga botante lalo na sa mga mahihirap na komunidad sa bansa.

Sa kabila ito ng utos ng Comelec na nagbabawal sa mga kandidato sa pakikipagkamay, pag- akap paghalik at iba pang aktibidad na may physical contact.

Ayon sa Senador, nais niyang personal na makadaupang palad ang mga botante para ipaalam ang kaniyang mga plataporma at mga programa lalo na sa mga mahihirap.

Umalma rin ang Senador sa balak ng Comelec na magpatupad ng No permit No campaign policy

Kanina nakipagdayalogo ang Senador sa asosasyon ng mga vendor sa Sta. mesa Maynila.

Bago ang dayalogo sumakay sa tren ng PNR ang Senador para malaman kung gaano ito ka efficient na public transportation.

Itutuloy niya raw ang modernisasyon ng mga tren at build build program ng Duterte administration.

Meanne Corvera

Please follow and like us: