Senador Manny Pacquiao handang makipagkasundo sa mga dating kapartido sa PDP laban

Handang makipagkasundo si Senador Manny Pacquiao sa mga dating kapartido sa PDP laban.

Pero gagawin niya raw ito sa kundisyong tatanggalin sa partido si Energy at PDP laban President Alfonso Cusi.

Sinabi ng Senador na pareho naman ang itinutulak nilang adbokasiya ng mga dating kapartido pero dapat alisin si Cusi.

Nadadamay raw kasi ang iba pang miyembro sa umano’y matinding pamumulitika ni Cusi.

Si Cusi kasama si PDP Secretary Melvin Matibag at membership committee head Astra Nail ang naghain ng resolusyon para mapatalsik sa partido sina Pacquiao at Senador Aquilino Koko Pimentel.

Sila rin ang naghain ng petisyon sa Commission on Elections at hiniling na ideklarang illigitimate ang kampo ni Pacquiao.

Wala pang desisyon ang COMELEC hinggil dito.

Paglilinaw naman ni Pacquiao wala siyang galit sa pangulo at hindi sila magkaaway.

Meanne Corvera

Please follow and like us: