Senador Pacquaio, inalok na umatras sa presidential race

Isa raw si Senador Manny Pacquiao sa mga hinimok na umatras na lang sa presidential race.

Hindi pinangalanan ni Pacquiao ang grupo at mga indibidwal na nag-alok sa kanya pero ginawa raw ito bago siya maghain ng COC at bago ang deadline substitution.

Pero nanindigan raw siya na ituloy ang laban.

Kahapon ay nagmotorcade si Pacquiao mula sa Commonwealth market dumaan sa Brgy. Holy Spirit, Sauyo, Bagbag, at San Bartolome sa Novaliches sa Quezon city.

Inamin ng Senador na kasabay ng kaniyang pag-iikot , nililigawan niya rin ang mga alkalde, at iba pang local government officials.

Binisita nito ang mga lokal na opisyal sa Payatas at namahagi ng tulong sa mga residente ng Commonwealth.

Meanne Corvera

Please follow and like us: