Senador Pacquiao, inanunsyo na ang pagreretiro sa Boxing

Tuluyan nang nagretiro sa boxing si Senador Manny Pacquiao.

Ang anunsiyo ay ginawa ni Pacquiao sa pamamagitan ng isang recorded video na inilabas sa kaniyang official social media account.

Naging emosyonal si Pacquiao at inaming mahirap para sa kaniya na tapusin ang 26 na taon sa boxing.

Nagpasalamat naman ang Senador sa lahat ng tumulong sa kaniya mula nang magsimula sa kaniyang boxing career hanggang sa makamit ang tagumpay.

“To the greatest fan and the greatest sport in the world, thank you. Thank you for all the wonderful memories. This is the hardest decision I’ve ever made but I’m at peace with it. Chase your dreams, work hard and watch what happens. Goodbye boxing!”.Pacquiao

Matatandaang ang hulinh laban ni Pacquiao ay noong Agosto nang matalo siya kay Cuban boxer na si Yordenis Ugas.

Meanne Corvera

Please follow and like us: