Senate blue ribbon committee Chairman Senador Richard Gordon, muling nakatikim ng below the belt na banat mula kay Pangulong Duterte sa isyu ng corruption investigation

Muling sinikwat sa below the belt ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Richard Gordon Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng isinasagawang inbestigasyon ng Senado sa umano’y katiwalian sa pondo ng Department of Health o DOH.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang regular weekly Talk to the People wala ng ginawa si Gordon kundi dumaldal ng dumaldal at wala namang kinakahinatnan ang ginagawang imbestigasyon.

Ayon sa Pangulo ilang taon ng champion si Senador Gordon sa Talkathon o kadaldalan.

Hinamon pa ng Pangulo si Gordon na ituro kung mayroong nakasuhan o napakulong sa mga isinasagawang imbestigasyon ng Senado.

Inihayag ng Pangulo na puro porma at pamumulitika lamang ang ginagawa ng mga Senador na itinatago sa mga isinasagawang imbestigasyon in aid of legislation.

Pinayuhan ng Pangulo si Gordon na magpapayat dahil nakakahilo na umano ang laki ng katawan ng Senador.

Magugunitang tinawag ng Pangulo si Gordon na Penguin noong nakaraang taon dahil sa banat ng senador sa pagtatalaga ng Chief Executive sa gabinete ng mga retiradong opisyal ng pulisya at militar.

Vic Somintac

Please follow and like us: