Senate president Vicente Sotto handang makipag-usap sa mga Vice presidentiable na magkaisa para tapatan si Mayor Sara Duterte

Ikinukunsidera ni Senate president Vicente Sotto ang pakikipag -usap sa iba pang kandidato sa pagka pangalawang Pangulo para tapatan si Mayor Sara Duterte sa Mayo.

Ang pahayag ay ginawa ni Sotto dahil sa panawagan ni Vice presidentiable Rizalito David sa mga kapwa kandidato na bumuo ng koalisyon na maaring ipantapat sa tambalang BBM at Duterte.

Ayon kay Sotto, dalawa sa kaniyang mga kapwa kandidato ang lumapit sa kanya at nagsabing kung hindi sila iboboto sa halalan ay siya ang kanilang ikakampanya.

Pero tumanggi na siyang magdetalye dahil unethical ito para sa isang kandidato.

Sa huling pre election survey ng Pulse Asia nitong Marso halos kalahati ang lamang ni Duterte kay Sotto.

Si Duterte ay may 53 percent habang 24 percent si Sotto.

Meanne Corvera

Please follow and like us: