Senator Dela Rosa, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19, si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ginawa ng senador ang anunsyo sa kaniyang Facebook account ngayong araw, Nov. 21.

Nakasaad sa anunsyo, na nalulungkot siyang i-anunsyon na nagpositibo siya sa virus kahapon, Biyernes, Nov. 20.

Hiniling din niya sa lahat ng nagkaroon ng contact sa kaniya na gawin ang lahat ng nararapat na hakbang.

Bago si Dela Rosa, ay una na ring nagpositibo sa COVID-19 sina Senators Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara at Koko Pimentel.

Lahat naman ng mga nabanggit ay pawing gumaling na sa sakit.

Liza Flores

Please follow and like us: