Senador Gatchalian, inirekomendang mapalawig pa ang MECQ sa NCR plus hanggang katapusan ng Mayo

Iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian na mapalawig pa ang umiiral na Modified Enhance Community Quarantine sa Metro manila at mga katabing lalawigan hanggang katapusan ng mayo.

Itoy habang hindi pa natutukoy kung talagang walang nahawa sa Indian variant virus na dala ng dalawang pinoy na nakauwi ng bansa.

Bukod rito mataas pa rin aniya ang naitatalang apat na libong kaso ng nagkakaroon ng COVID-19 kada araw.

Bagamat mahalaga aniyang buksan ang mga negosyo para unti unting makabangon na ang ekonomiya, nangangamba ang Senador na ang bagong variant ang maaring magresulta na naman ng pagtaas ng kaso.

Naniniwala rin itong epektibong paraan ang MECQ para maiwasan ang mga malalaking pagtitipon at dine in sa mga restaurants na nagiging sanhi ng infection.

Statement of Senator Sherwin Gatchalian

Meanne Corvera

Please follow and like us: