Senator Risa Hontiveros naka quarantine matapos ma-exposed sa COVID-19 positive

Naka self quarantine ngayon si Senator Risa Hontiveros matapos  ma- exposed sa isang nagpositibo sa COVID – 19.

Ayon kay  Hontiveros noong March 5 ay nagtungo sya sa isang taping ng isang TV show para sa  pagdiriwang ng women’s month

Pero makalipas ang ilang araw,  ay  inabisuhan sya na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga host ng  TV show.

Nakapag pa swab test na ang Senador kung saan negative naman ang resulta.

Gayunman, tatapusin nIya raw ang labing-apat na araw na quarantine na matatapos na sa Biyernes March 19.

Meanne Corvera

Please follow and like us: