Senatoriable Rodante Marcoleta, umatras sa kanyang kandidatura

Umatras sa Senatorial race sa halalan 2022 si Deputy speaker at Sagip partylist representative Rodante Marcoleta.

Sa inilabas na pahayag ng mambabatas sinabi niya ang mababang ranking sa mga survey ang dahilan kung bakit siya umatras sa pagtakbo sa eleksyon.

Gayunpaman,patuloy aniya ang kaniyang suporta sa BBM-Sara tandem na dati niyang kinabibilangang Senatorial slate at pati na rin sa PDP-laban na kanya namang partido.

Nagpasalamat din si Marcoleta sa mga grupo at indibidwal na sumuporta sa kanyang kampanya, hiling niya ay sana maunawaan nila ang kanyang naging desisyon.

Kinumpirma na rin ng Comelec na sa isinagawang Comelec en banc ay tinanggap ang withdrawal of candidacy ni Marcoleta.

Please follow and like us: