Senatoriables na susuportahan ng Iglesia Ni Cristo, Nagpasalamat

Malaking karangalan para sa mga tumatakbong Senador na mapabilang sa mga kandidatong susuportahan ng Iglesia Ni Cristo.

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na mahalaga ang boto ng mga miyembro ng INC na naging katuwang ng gobyerno sa pag-unlad ng bansa.

Pinuri ni Zubiri ang tahimik na pagkilos ng INC para tumulong sa mga kapwa Pilipino at pagsasagawa ng mga Socio Civic Programs.

Nagpasalamat rin sina General Guillermo Eleazar, Senador Joel Villanueva at JV Ejercito na napabilang sila sa mga susuportahan ng INC sa eleksyon sa lunes.

Sakaling maluklok sa Senado malaking hamon raw ang kanilang kinakaharap ngayon sa dami ng problemang kinakaharap ng bansa lalo na ang pagbangon sa pandemya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: