Serbisyo Caravan inilunsad ng LGU sa Aurora

Nakinabang sa iba’t-ibang serbisyo publiko, ang mga mga residente ng Barangay Dikapanikian, Dingalan, Aurora dahil sa inilunsad na “Serbisyo Caravan” ng local government unit (LGU), sa pakikipagtulungan ng 91st Infantry Batalliom (Sinagtala) ng Phil. Army.

Sinabi ni Lt. Col. Reandrew Rubio, kumander ng 91st Infantry Battalion (91IB), na ang LGU, mga ahensya ng gobyerno, at mga partners nito ay nagkaisa upang maghatid ng iba’t-ibang serbisyo sa publiko.

Kinabibilangan ito ng feeding program, medical check-up at libreng gupit.

Namahagi rin humigit-kumulang sa 50 mga punla ng niyog ang Philippine Coconut Authority, sa mga miyembro ng Samahan ng Magsasaka pati na rin mga bitamina para sa mga batang wala pang 12 taong gulang, sa pamamagitan ng tulong ng mga healthcare worker sa barangay.

Ulat ni Daceryll Rivera

Please follow and like us: