Serbisyo ng Converge sa ilang lugar sa Makati City, balik na ulit

Balik serbisyo na ulit ang Converge sa ilang barangay sa Makati City matapos maapektuhan ang kanilang linya dahil sa paghuhukay ng kalsada ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa Converge, naputol ang kanilang serbisyo sa San Antonio at Magallanes bandang 12:47 A.M. ng Enero 14 pero agad rin naman itong naibalik bandang 7:00 P.M.

Una rito aksidenteng natamaan ng ginagawang paghuhukay ng DPWH ang optical fiber ng Converge sa may bahagi ng Pasong Tamo.

Agad namang nagpunta sa site ang mga tauhan ng Converge para maiayos ang problema at agad maibalik ang naputol na serbisyo.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: