Service Contracting, hinikayat na i- avail ng mga traditional PUJ drivers

Patuloy na hinihikayat ni Pasang Masda President Obet Martin ang mga tsuper o driver ng mga luma o traditional Public Utility Jeepneys (PUJ) na i-avail o mag-enroll sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa service contracting.

Ito ay ayuda ng Department of Transportation (DOTr) sa public transport partikular sa hanay ng mga driver ng PUJ.

Sinabi ni Martin sa panayam ng programang Bantay Lansangan, marami na rin ang nakikinabanang na operators at drivers sa service contracting.

Mahigit na 6,000 ruta ang sineserbisyuhan sa National Capital Region sa pamamagitan ng libreng sakay ng gobyerno.

Julie Fernando

Please follow and like us: