Shortlist ng mga nominado sa mga posisyon sa NCR metropolitan trial courts, isinumite na ng JBC

Umaabot sa mahigit 100 nominado ang kasama sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Malacañang para sa mga bakanteng puwesto sa metropolitan trial courts sa NCR.

Ang listahan ay natanggap na ng Palasyo na pagpipilian naman ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapunan ang vacancies sa judgeship positions sa METCs sa NCR.

Ang mga nominado ay para sa 20 branches ng METCs sa mga lungsod ng Caloocan, Mandaluyong, Maynila, Marikina, Muntinlupa, Parañaque, Pasig, Quezon , at Taguig.

Ang shortlist ay inisyu kasunod ng isinagawang deliberasyon at botohan ng JBC noong Disyembre 17.

Ang JBC ang may mandato na sumala sa mga aplikante sa mga bakanteng puwesto sa hudikatura at Office of the Ombudsman.

Moira Encina

Please follow and like us: