Shortlist para sa binakanteng puwesto ni CJ Alexander Gesmundo, ilalabas sa susunod na linggo ng JBC

Nakatakdang isumite sa susunod na linggo ng Judicial and Bar Council sa Malacañang ang shortlist para sa associate justice post na binakante ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

Sinabi ni JBC Ex Officio Member at Justice Sec. Menardo Guevarra na nakatakdang ilabas ng JBC sa June 18 ang shortlist ng mga nominado.

Sa parehong araw din aniya ay ipadadala ng JBC ang listahan sa Office of the President.

Umabot sa 15 ang aplikante sa puwesto sa Korte Suprema na karamihan ay mga mahistrado ng Court of Appeals at Sandiganbayan.

Naghain din ng aplikasyon sina Court Administrator Jose Midas Marquez at Deputy Court Administrator Raul Villanueva.

Sumalang sa online public interview ng JBC ang anim sa mga aplikante noong nakaraang linggo.

Moira Encina

Please follow and like us: