Shortlist sa judgeship positions sa NCR, isinumite na ng JBC sa Malacañang

Mahigit 100 nominado ang pasok sa shortlist para sa 21 bakanteng judgeship positions sa regional trial courts sa Metro Manila.

Batay sa listahan, itatalaga ang mapipiling nominees sa iba’t ibang branches ng RTCs sa mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Mandaluyong, Maynila, Parañaque, Pasig, Quezon, at Taguig.

Ang iba na kasama sa shortlist ay higit sa isa ang puwesto kung saan sila nominado.

Ang listahan ay isinumite na ng Judicial and Bar Council sa Malacañang para pagpilian ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang JBC na pinamumunuan ng punong mahistrado ang may mandato sa ilalim ng batas na sumala ng mga nominado para sa mga bakanteng posisyon sa hudikatura, Office of Ombudsman, at Deputy Ombudsman.

Moira Encina

Please follow and like us: