Shortlists para sa limang bakanteng puwesto sa CA, isinumite na ng JBC sa Malacañang

Natanggap na ng Palasyo ang shortlists ng mga nominado sa limang associate justice posts sa Court of Appeals (CA).

Batay sa listahan na isinumite ng Judicial and Bar Council, umabot sa 20 ang kasama sa shortlists para sa mga bakanteng posisyon sa CA.

Pare-pareho lamang ang mga nominado sa limang CA justice posts.

Kabilang sa mga ito si Justice Undersecretary Adrian Sugay.

Ang mga mapipili ng pangulo mula sa listahan ang papalit sa mga iniwang posisyon sa appellate court nina Associate Justices Priscilla Baltazar-Padilla, Ricardo Rosario, Remedios Salazar- Fernando, Stephen Cruz, at Celia Librea- Leagogo.

Moira Encina

Please follow and like us: