Show sa La Vegas ni Justin Bieber napostpone matapos siyang mahawahan ng COVID-19

Canadian singer Justin Bieber arrives for the 2021 Met Gala at the Metropolitan Museum of Art on September 13, 2021 in New York.
AFP / Angela Weiss

Nahawahan ng Covid-19 ang Pop star na si Justin Bieber, sanhi para i-postpone ang kaniyang show sa Las Vegas na ang orihinal na schedule ay February 20.

Ayon sa report, nagkaroon ng isang Covid-19 outbreak sa team ng singer at siya man ay hindi nakaligtas.

Sa ipinost na tweet ng kaniyang team sa page ng Bieber’s Justice World Tour ay nakasaad na dahil sa positive Covid results sa loob ng Justice Tour family, ay kailangan nilang ipagpaliban ang La Vegas show ng singer na dapat ay kahapon (Linggo) nga idaraos.

Ayon pa sa post . . . “Justin is of course hugely disappointed, but the health and safety of his crew and fans is always his number one priority. The tour launch in San Diego was a massive success and Justin is excited to bring this spectacular show to his Las Vegas fans as soon as possible.”

Inanunsiyo sa account ng tour na ang Las Vegas ay ni-reschedule sa June 28, at ang mga tiket na nabili sa orihinal na petsa ay tatanggapin pa rin.

Sa isa pang tweet, ang February 22 Glendale show ni Bieber ay ni-reschedule rin sa June 30. 

Ang Justice World Tour ay nagsimula na sa San Diego noong isang linggo, at ang Las Vegas nga sana ang susunod dito.

Please follow and like us: