Silang Cavite Municipal Office at DTI, magsasagawa ng Diskuwento Caravan bukas.

Magsasagawa ng Diskuwento Caravan ang Silang Municipal Govt Office katuwang ang Dept. of Trade and Industry o DTI, bukas, Mitekules, Nov. 18, 2020. 


Isasagawa ito sa Tatic Covered Court, Brgy. Bulihan, Silang Cavite, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.


Ang Diskuwento Caravan ay inisiyatibo ng DTI sa pakikipagtungan ng mga local manufacturers para makapagbigay ng mababang presyo o mas mababa pa sa Suggested Retail Price ng mga locally made products para sa publiko lalo na ang mga naapektuhan ng kalamidad. 


Nagpapaalala naman ang mga opisyal ng Silang Cavite Municipal Office sa publiko na kung magtutungo sa lugar ay huwag kalimutang magsuot ng face shiels at face mask para maging ligtas sa Covid 19.

Jet Hilario

Please follow and like us: