Sindangan, Zamboanga del Norte nagsagawa ng apat na araw na preparedness training

Nagsagawa ng apat na araw na Disaster Preparedness Training ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection o BFP, kasama ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Rescue Management Office o MDRRMO ng local government unit ng Sindangan.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ng alkalde ng bayan na si Mayor Rosenso Labadlabad, kasama si Chief Inspector Rheno Cimafranca, fire Marshall ng BFP Zamboanga del Norte.

Ang aktibidad ay nilahukan ng 37 katao mula sa iba’t-ibang barangay na sakop ng naturang bayan.

Layon nito na maipabatid at maituro ang tamang paraan ukol sa mga paghahanda at sa mga dapat ihanda, anoman ang kalamidad na dumating.

Ulat ni Jerome Ladion

Please follow and like us: