Singil sa kuryente ngayong Disyembre, bababa

Bahagyang bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan.

Sa abiso ng Manila Electric Company (Meralco), nasa P 0.0352 kada kilowatt per hour.

Ang bawas-singil ay bunsod ng pagbaba ng generation charges sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) prices.

Ayon sa Meralco, dahil sa bahagyang pagbabawas ng singil, ang mga customer ng Electric company na kumokonsumo ng 200 KWH ay mababawasan ng 7 piso sa kanilang bill.

Habang ang komokonsumo naman ng 300 KWH ay may bawas na 11 piso.

Nasa 14 piso naman ang bawas sa mga kumokonsumo ng 400 KWH.

At 18 piso sa mga customer ng Meralco na kumokonsumo ng 500 KWH.

Please follow and like us: