Sisterhood agreement ng Davao City at Zamboanga City kinuwestyon ng militanteng grupo

Duda ang isang militanteng grupo sa ginagawang pag-iikot ni Davao City Mayor Sara Duterte at pakikipagpulong sa iba’t ibang LGU leaders.

Kinukuwestyon ni ACT Teacher Partylist Rep. France Castro kung bakit ngayon lang lumagda ng memorandum of agreement si Mayor Sara bilang sister city sa Zamboaga City.

Hindi rin naniniwala si Castro na walang napag-usapang pulitika sa naging pagbisita ng alkalde kina Zamboaga City Mayor Beng Climaco at Cebu City Governor Gwen Garcia.

Maging kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng partidong Lakas–Christian Muslim Democrats ay nakipagpulong rin ang alkalde.

Naniniwala si Castro na dapat bago mag-ikot ay tutukan muna ni Mayor Sara ang problema ng Davao sa Covid 19.

Sa July 17 na datos ng OCTA Research Group, nakasaad na naitala ang pinakamataas na Covid 19 infection sa Davao na nasa 482 sa loob ng isang araw.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: