Siyam patay sa gas explosion sa east Algeria

(Courtesy: Google Maps)

Siyam katao ang nasawi at 16 na iba pa ang nasaktan, sa isang gas explosion sa eastern Algeria na nagbunsod ng pagguho ng isang tatlong palapag na gusali sa bayan ng Bordj Bou Arreridj.

Ayon sa mga lokal na awtoridad, napinsala rin ang mga katabing bahay ng naturang gusali, habang patuloy naman ang paghahanap ng rescue workers sa mga guho para sa posibleng nakaligtas o mga biktima.

Sinabi ng isang lokal na opisyal, na ang pagsabog ay sanhi ng isang gas leak.

Nagpadala naman ng mensahe ng pakikiramay si Algerian President Abdelmadjid Tebboune, sa pamilya ng mga biktima.

Noong Pebrero, walo katao, kabilang ang tatlong bata ang nasawi sanhi rin ng isang gas explosion sa isang tahanan sa katabing bayan ng Setif.

Please follow and like us: