Siyam sa mga tinamaan ng Delta variant nabakunahan na kontra COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health na siyam sa mga nagpositibo sa Delta variant ng COVID-19 ang nabakunahan na laban sa virus.

Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, ang apat sa kanila ay fully vaccinated habang ang lima naman ay nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

Sa mga fully vaccinated, ang 3 ay nakaranas aniya ng mild na sintomas habang asymptomatic naman ang isa.

Sa mga nabigyan naman ng 1st dose ng COVID-19 vaccine, 3 ang mild cases habang asymptomatic naman ang 2.

Sa 3 nasawi naman, 2 aniya rito ay hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 habang bineberipika naman ang isang nasawi na returning overseas Filipino kung nakatanggap na ito ng bakuna.

Ang 24 aniya sa mga tinamaan ng Delta variant ay hindi pa bakunado habang bineberipika naman ang 86.

Ayon kay Vergeire, pinapakita lang nito na kapag nabakunahan na kontra COVID-19 ay mas may laban sa mga Variant ng virus.

Madz Moratillo

Please follow and like us: