Small business owners sa Davao City, nakatanggap ng ayuda

Aabot sa 2,760 maliliit na mga negosyo sa Davao City, ang nakatanggap ng Livelihood Assistance Grant o LAG mula sa Dept of Social Welfare and Development Region 11 (DSWD-11), na pinangunahan ni Regional Director Raquel Nuñez.

Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng City Social Welfare Services and Development Office o CSWDO na pinamumunuan naman ni Atty Marlisa Gallo.

Layunin ng programang ito ng DSWD na matulungan ang small business owners o mga nagtitinda ng iba’t ibang produkto at nagkakaloob ng mga serbisyo, na lubos na naapektuhan ng pandemya.

Ang lahat ng mga kwalipikadong indibidwal ay nakatanggap ng 10,000 piso bawat isa.

Noreen Ygonia

Please follow and like us: