Snyder ng Utah, magiging coach ng Team LeBron sa NBA All-Star Game

NEW YORK, United States (AFP) – Inihayag ng NBA na ang head coach ng Utah Jazz na si Quin Snyder, ang magiging coach ng Team LeBron sa 70th NBA All-Star Game sa March 7, na gaganapin sa Atlanta, Georgia.

Magsisimula si Snyder bilang coach ng koponan na may pinakamagandang record sa Western Conference, sa mga laro sa susunod na linggo.

Inihayag din ng liga na si Doc Rivers naman ang magiging coach ng Team Durant sa midseason exhibition.

Magsisimula naman si Rivers na maging coach ng Philadelphia 76ers, sa mga laro sa susunod na linggo.

Ito ang unang pagkakataon ni Snyder bilang All-Star head coach, at ikalawang pagkakataon naman niya bilang coach ng Jazz, pagkatapos ni Frank Layden noong 1984.

Samantala, si LeBron James ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa kalipunan ng mga manlalaro ng NBA, sa isang fan balloting para maging captain ng Western Conference, habang si Kevin Durant naman ng Brooklyn ang magiging captain ng iba pang All-Star squad, matapos manguna sa lahat ng Esatern Conference vote-getters.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: