SOJ Crispin Remulla nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla na nagpositibo ito sa COVID-19.

Sinabi ni Remulla na nagpositibo siya sa virus noong nakaraang Huwebes.

Ayon sa kalihim, “very mild” lang ang sintomas niya.

Pero, kailangan aniyang sumailalim sa isolation sa loob ng pitong araw alinsunod sa health protocols.

Naka- work from home naman ang kalihim hanggang sa ito ay gumaling.

Moira Encina

Please follow and like us: