SOJ Guevarra: Bise-presidente, walang immunity sa mga kaso

Nanindigan si Justice Sec. Menardo Guevarra na walang immunity sa kaso ang isang bise-presidente.

Ayon kay Guevarra, nang mapabilang si Vice- President Leni Robredo sa reklamong sedition kaugnay sa alyas Bikoy controversy ay sinabi niyang hindi immune o maaaring kasuhan ang isang pangalawang-pangulo sa ilalim ng Saligang Batas.

Aniya hindi nagbago ang opinyon niya sa nasabing isyu.

Sinabi ng kalihim na nabasura ang reklamo laban kay Robredo dahil sa kakulangan ng ebidensya at hindi dahil sa immunity.

Nilinaw naman ni Guevarra na ang kanyang komento ay hindi ukol sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa immunity from suit ng bise-presidente.

Naniniwala si Guevarra na ang pahayag ng presidente ay isang political statement at hindi legal conclusion.

Moira Encina

Please follow and like us: