SOJ Remulla nagtalaga ng bagong NBI OIC

Si NBI Deputy Director Atty. Medardo De Lemos ang magsisilbing officer-in-charge ng kawanihan.

Itinalaga si De Lemos bilang OIC ng NBI ni Justice Secretary Crispin Remulla noong Hulyo 1.

NBI OIC Medardo de Lemos (first from right). Courtesy: SC PIO (File photo)

Ito ay makaraang ideklarang bakante ng Malacañang ang ilang posisyon sa mga tanggapan at ahensya sa sangay ng ehekutibo.

Sa department order na pirmado ni Remulla, sinabi na magsisilbing OIC si De Lemos hanggang July 31 o hanggang sa may maitalaga na kapalit.

Sinabi rin sa kautusan na si De Lemos ang next-in-rank at most senior official kaya ito ang inilagay na OIC.

Pinalitan ni De Lemos bilang NBI OIC si Senior Deputy Director Eric Distor.

Moira Encina

Please follow and like us: