Street lights launching sa Governor drive highway, Carmona, Cavite

Pinasinayaan na sa Carmona Cavite ang mga street lights sa kahabaan ng Governor drive highway sa Barangay Mabuhay. 


Ayon kay Carmona, Cavite Mayor Roy Loyola, ang nasabing proyekto ay bahagi ng kanilang proyekto para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa kanilang bayan kasama na ang mga bumibiyaheng motorista sa naturang kalsada. 


Ang street light launching ay dinaluhan ng mga opisyal ng Sangguniang Bayan, maging ang  Kapitan ng Brgy. Mabuhay kasama na ng mga opisyal nito. 


Pinapayuhan naman ang mga motoristang dumaraan sa Governor drive highway na maging maingat lagi sa pagmamaneho para makaiwas sa mga aksidente.

Jet Hilario

Please follow and like us: