Summer season, idineklara na ng PAGASA

0
summer

Opisyal nang idineklara ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang panahon ng tag-init.

Ayon sa PAGASA kasunod ito nang nakita nilang pamumuo ng High Pressure Area (HPA) sa North Pacific Ocean nitong nakalipas na weekend at humarang sa amihan o Northeast Monsoon na may dala ng lamig.

Dahil tapos na ang amihan, sinabi ng PAGASA na asahan na ang mas mainit at mas tuyong panahon sa bansa.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *