Sunday lockdown, muling ipinatupad sa Zamboanga city simula Aug. 1 kahit nasa ilalim na ng GCQ ang lungsod

Bumaba sa 97 ang mga nahuling lumabag sa General Community Quarantine (GCQ) guidelines at health protocol sa Zamboanga city.

Kabilang sa mga naitalang paglabag ay hindi pagsunod sa physical distancing, curfew, hindi pagsusuot ng face mask, walang quarantine pass o valid ID.

May mga nasita ring unauthorized motorcycle backriding at hindi nakasuot ng face shield.

Sa ilalim ng Executive Order 674, muling ipinatupad sa lungsod ang Sunday lockdown simula August 1 hanggang 15.

Simula naman July 31 hanggang August 31, 2021 ay isinailalim na sa General Community Quarantine ang lungsod sa ilalim ng Executive Order No. BC 674-2021.

Please follow and like us: