Supermarket sa Angeles City nilooban, pera sa ATM nilimas

Isang supermarket sa Angeles City ang nilooban kung saan nalimas ang lamang pera ng ATM doon.

Sa report ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa security guard ng Super 8 Supermarket at ipinalaam ang nangyaring panloloob sa naturang establisimyento.

Base sa ulat, dumaan umano sa manhole ang suspek saka binutas ang sahig ng isang stall na nasa loob ng naturang supermarket.

Nakunan naman sa CCTV ang ginawang pagnanakaw ng suspek sa laman ng ATM ng PNB na naroon sa supermarket.

Sa ngayon ay hindi pa alam kung magkano ang halaga ng nalimas na pera mula sa ATM, habang patuloy rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring panloloob.

Report ni Kleinronn Severo

Please follow and like us: