Suporta kay Dating Senador Bongbong Marcos, bumuhos na

Dagsa na raw ang mga nag-aaplay para maging Cabinet member ng kumakandidatong Pangulo na si dating Senador Bongbong Marcos.

Hindi na idinetalye ng kaniyang kapatid na si Senador Imee Marcos, ang mga aplikante pero sana raw hindi ito mauwi sa mga kaibigan at kabarilan lang.

Ayon kay Marcos, mas bumuhos na ngayon ang suporta kay BBM.

Pero mas malaking bagay aniya ang pagsuporta ng partido ng pangulo na PDP laban.

Nagpasalamat si Marcos kay Pangulong Duterte  dahil itinama nito ang mga maling impormasyon na inaakusa  tungkol sa kanyang pamilya.

Sa ngayon hindi pa rin aniya sila nawawalan ng pagasa na personal na ikakampanya ng Pangulo ang tambalan nina BBM at anak na si Sara Duterte.

Marami naman aniyang tumutulong sa mga kampanya ng kaniyang kapatid kabilang na ang kanilang ina na si dating unang ginang at Ilocos Representative Imelda Marcos.

Meanne Corvera

Please follow and like us: