Taas-pasahe kasunod ng oil price hike, malabo pa – LTFRB

Hindi pa tiyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB)  kung magpapatupad ng taas-pasahe kasunod ng muli na namang pagtaas ng presyo sa langis.

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra, iniiwasan ng Department of Transportation (DOTr) na ibigay ang pasanin sa mga commuter.

Bunsod nito, ginagawa ng LTFRB ang lahat upang matulungan ang mga operator nang walang maaapektuhang pasahero.

Kinumpirma naman ni Delgra na nakatanggap na ng petisyon ang LTFRB kaugnay sa taas-pasahe.

Please follow and like us: