Taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin, aprubado na ng DTI

Aprubado na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin kabilang ang sardinas, canned meat, instant noodles, kape at gatas.

Ayon kay Trade secretary Ramon Lopez, hindi lalagpas ang taas-presyo sa 3.5 percent o katumbas lamang ng 25 hanggang 75 sentimos.

Bunsod umano ito ng pagtaas ng presyo sa raw materials kaya naaprubahan ang hiling ng mga manufacturers.

Sinabi rin ni Lopez na posibleng umabot pa ng isang buwan ang gagawin nilang paglalabas ng bagong Suggested Retail Price o SRP guide kaya hindi pa ito dapat maramdaman ng mga konsyumer.

Please follow and like us: