January 17, 2021
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
RadyoAgila.com RadyoAgila.com
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Menu
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Balita Ngayon
  • World migration, bumaba ng 30% dahil sa pandemya
  • Felix Y. Manalo Foundation, Inc., kinilala bilang Philanthropic Organization of the Year 2020 ng Daly City
  • Pelikulang “Guerrero Dos: Tuloy ang Laban” ng EBC films, nag-qualify bilang entry ng Pilipinas sa Golden Globe Awards ngayong taon
  • Pilipinas, walang pinapaborang brand ng Covid-19 vaccine- Sec. Galvez
  • Paggamit ng dalawang magkaibang bakuna sa isang tao, hindi maaari- DOH
  • Kawalan ng kapangyarihan ng DOE sa pagtaas ng presyo ng gasolina, binatikos
  • Oral Arguments ng Korte Suprema sa mga petisyon kontra Anti-Terror Law, ipinagpaliban sa Pebrero 2
  • Bakuna kontra COVID-19 ikinakasa na ng LGU ng Tarlac City
  • Hindi bababa sa 34, nasawi sa nangyaring lindol sa Indonesia
  • Jolo RTC Branch 3, naglabas na ng arrest warrant laban sa siyam na pulis na akusado sa pamamaril sa apat na sundalo
07:13 AM Clock
Home Column TAGULABAY O URTICARIA

TAGULABAY O URTICARIA

on: December 30, 2020

Marami sa atin ang problemado kapag namantal at nangati ang balat na kadalasang tinatawag nating tagulabay o urticaria na siyang medical term nito.

Ano nga ba ang urticaria? Ayon sa Webster’s Dictionary, ito ay allergic disorder marked by patches of skin and usually intense itching dahil sa kinain, sa iniinom na gamot, o inhàlant. Ang Mayo Clinic naman ay ganito ang eksplanasyon, reddened, itchy welts na na-trigger dahil sa kinain, medications at iba pang substances.

Kaya nga para lalo nating maintindihan at malaman ang ukol sa tagulabay o urticaria, nagtanong tayo sa isang certified dermatologist, kay Dr. Ellaine Eusebio-Galvez. Narito ang kanyang paliwanag:

Ang urticaria o tagulabay ay may kinalaman sa ating immume system. Kaya sa mga pasyente niya ang itinatanong niya ay kung may history ang pamilya ng asthma o allergic rhinitis, dahil sa magkakamag-anak ang mga ito.

Bakit tinatagulabay? Sabi ni Doc Ellaine, pwedeng magkatagulabay dahil sa extreme temperature, yun bang sobrang init at lamig or after exercise at pinagpawisan, kapag nabilad sa araw, sa gamot na iniinom, sa pagkain, pwedeng environmental at emotional stress din.

Dagdag pa ni Doc Ellaine, maaaring sa pagkabata pa lang ay magka problema na sa urticaria at maaari din naman habang nagkakaedad dahil na rin sa paghina ng immune system. Banggit pa ni Doc na importante na malaman natin kung saan tayo allergic. Ang characteristic ng tagulabay o urticaria ay “evanescent” minsan nandyan, tapos mawawala, tapos babalik.

Ang acute urticaria ay lumalabas ng less than six weeks, habang ang chronic ay more than 6 weeks na lumilitaw, posibleng dahil may internal infection.

Ano ngayon ang dapat gawin kapag tinagulabay ka? Banggit ni Doc na ang pagsusuot ng itim o buhok na ilalagay sa tagulabay ay kasabihan or myth lamang. Dapat anya, maalis o tanggalin ang nakakapag irritate sa katawan. Magpareseta ng antihistamine sa duktor kung talagang may history nito. Iwasang kamutin dahil sa lalong dadami at magkakasugat-sugat ang balat.

Ano ngayon ang gagawin kapag tinagulabay o nagka-urticaria? Sabi ni Doc Ellaine, usually, ibinibigay ang generics tulad ng cetirizine, hydroxyzine o loratidine. Panghuli, itinanong natin kung namamana ba ito? Sabi nya, chances are, isa sa mga anak ay pwedeng magkaron, kaya nga importante na mula pagka baby ay maingatan at obserbahan na at ma-identify ang allergen na nag cause nito.

And that’s it, mga kapitbahay.Ngayon, alam n’yo na kung bakit ka tinatagulabay at kung ano ang dapat na gawin.

  • TAGULABAY O URTICARIA
    Previous

    LRT-2, may libreng sakay sa mga piling oras ngayong araw

  • TAGULABAY O URTICARIA
    Next

    Mga frontliner ngayong panahon ng COVID- 19 pandemic itinulad ni Pangulong Duterte sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal

2014 Powered By Wordpress, Goodnews Theme By Momizat Team

  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Desktop Version Mobile Version
We process and collect personal data based on our Terms of Use and Privacy policy to improve and analyze our service.I agree