Tanggapan ng DOLE isasara muna matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang opisyal

Simula mamayang alas dose ng tanghali ay sarado pansamantala ang tanggapan ng Department of Labor and Employment sa Intramuros sa Maynila.

Ito ang kinumpirma ni Rolly Francia, direktor ng Public Information Office ng DOLE.

Layon aniya nito na mabigyang daan ang disinfection sa kanilang pasilidad.

Kasunod ito ng pagpositibo sa COVID-19 ng isang mataas na opisyal ng DOLE kung saan nahawa maging ang driver at ilang staff nito.

Ang nasabing opisyal na nagpositibo sa virus ay naka-admit sa isang ospital habang ang mga staff ay naka quarantine narin.

Sa Lunes ay muling magbubukas ang tanggapan ng DOLE.

Madz Moratillo

Please follow and like us: