Tanggapan ni Calamba City Vice Mayor Roseller Rizal, Namahagi ng libreng salamin sa mata sa Brgy. Paciano Rizal.

photo courtesy of Calamba City Vice Mayor “Ross” Rizal

Namahagi ng libreng salamin sa mata ang tanggapan ng City Vice Mayor ng Calamba para sa nangangailangan nito sa lungsod.

Isinagawa ang pamamahagi ng libreng salamin sa mata sa Brgy. Paciano Rizal sa Calamba Laguna.

Pinangunahan ito ni Calamba City Vice Mayor Roseller Rizal ilalim ng proyekto ng lungsod na Linaw Aninaw.

Pangunahin sa mga nabigyan ng libreng salamin sa mata ay ang mga senior citizen sa barangay.

Ayon sa bise-alkalde, patuloy ang kanilang hangarin na makatulong sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan at sa pagpapagaan at pagsasaayos ng pamumuhay para sa kanilang mga kababayan.

Please follow and like us: