Tatlong dibisyon ng Korte Suprema, muling ni-reorganisa

Nagpatupad nang panibagong reorganisasyon ang tatlong dibisyon ng Korte Suprema.

Ito ay matapos na magretiro si Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe at maitalaga si bagong Associate Justice Maria Filomena Singh.

Mananatiling chairperson ng Supreme Court First Division si Chief Justice Alexander Gesmundo.

Si Justice Marvic Leonen naman ang bagong chair ng SC Second Division habang si Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang bagong mamumuno sa SC Third Division.

Ang bagong appointee na si Singh ay isa naman sa mga miyembro ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema.

Moira Encina

Please follow and like us: