Tatlong drug pushers, arestado sa Nueva Ecija

Nasa 6,400 pisong halaga ng hinihinalang shabu at 1,000 pisong halaga ng pinatuyong marijuana, ang nakuha sa tatlong drug suspek na nahuli ng Zaragoza, Jaen at San Isidro Municipal Police Station.

Bukod sa ilegal na droga, nakuha rin sa mga suspek ang isang fully-grown marijuana plant na nakatanim sa puting sako.

Samantala sa Brgy Julo, San Antonio, Nueva Ecija, ay naaktuhan namang nagsusugal ang apat na katao sa isinagawang anti-illegal gambling operations ng San Antonio Municipal Police Station.

Nakuha sa mga ito ang barahang ginamit sa larong pusoy, at 745 pesos na halaga ng bet money.

Gabriel Angelo

Please follow and like us: