Temporary isolation at treatment unit sa Santa Rosa City, Laguna, binuksan ngayong araw

 

Binuksan na ngayong araw ang Santa Rosa community isolation unit.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ito ang magsisilbing pansamantalang treatment at monitoring facility.

Para sa mga suspect at probable cases ng Covid -19 sa Santa Rosa, Laguna.

May inisyal itong kapasidad na 41 pasyente.

Pero pwedeng madagdagan ang nasabing bilang dahil sa may probisyon ng karagdagang kama sa ikalawang palapag ng gusali.

Ang Santa Rosa community isolation unit ay  isang public-private partnership project sa pagitan ng City government at ng pribadong sektor sa lungsod.

Ulat ni Moira Encina

 

 

Please follow and like us: