Term-sharing sa speakership nina Cayetano at Velasco, ayaw panghimasukan ni Pangulong Duterte

Hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng term sharing sa speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque dahil sa October 18 ay matatapos na ang termino ni Speaker Allan Peter Cayetano batay sa gentlemans agreement kay Marinduque Congressman Lourd Allan Velasco.

Batay sa kasunduan nina Cayetano at Velasco paghahatian nila ang termino ng Speakership ng 18th Congress.

Ayon kay Roque ang isyu ng Speakership ay panloob na usapin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at hindi dapat pakikialaman ng Executive Department dahil sa umiiral na inter-department courtesy.

Inihayag ni Roque nasa kamay ng mga kongresista ang desisyon kung maghahalal sila ng bagong Speaker sina Cayetano at Velasco ay parehong kaalyado ni Pangulong Duterte sa politika.

Vic Somintac

Please follow and like us: