TESDA nag-aalok ng libreng online COVID-19 prevention course sa mga eskuwelahan

Kasabay ng pagsisimula ng face-to-face classes, nag-aalok ng libreng online COVID-19 prevention course para sa mga estudyante at maging sa mga magulang ang Technical Education and Skills Development Authority.

Ayon kay TESDA Director General Danilo Cruz, bukas ang offer na ito sa mga eskuwelahan, kolehiyo, at unibersidad, kapuwa sa pampubliko at pribadong sektor.

Layon nito na makatulong mapigilan ang pagkalat pa ng COVID- 19 sa mga paaralan.

Para sa iba pang impormasyon patungkol sa nasabing kurso, bisitahin lamang ang e-tesda.gov.ph.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: