TODA vaccination, tuloy-tuloy sa lungsod ng Mabalacat

Dahil sa puspusang paglulunsad ng mga vaccination roll-out sa Mabalacat, matagampuy na naipamigay sa mga tricycle driverang kanilang vaccination certificates, matapos makumpleto ang una at pangalawang dose ng bakunan laban sa COVID-19.

Kamakailan lang ay nakapagbakuna ang lungsod ng nasa 106 na tricycle drivers sa pamamagitan ng mobile vaccination.

Samantala, patuloy ang panawagan ng mga kinauukulan sa bawat Mabalaqueños na mas lalo pang paigtingin ang pagsunod sa health and safety protocols, gayundin patuloy nilang hinihikayat ang lahat na magpabakuna upang makamit ang herd immunity sa lungsod sa lalong madaling panahon.

Jasmin Caño

Please follow and like us: