Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz, engaged na

Photo: Hidilyn Diaz FB

Engaged na sa kaniyang long-time boyfriend at coach na si Julius Naranjo, ang Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Makikita sa inilabas na video ng Resorts World Manila, na pagkatapos mag-dinner ng magkasintahan, ay saka inalok ni Julius ng kasal si Hidilyn.

Ayon sa post ni Hidilyn . . . “I’m grateful to God that He sent Julius into my life, he make my life easy, alam ng iba kung ano mga sinasakripisyo niya para maabot namin ang pangarap na ginto sa Olympics together with #TeamHD, nun laro kinilig at masaya ako kasi siya mismo nagsabi God is the center of our relationship, kaya walang duda magyeyes ako dahil swerte ako may isang Julius nagmamahal, nag-iintindi at sumuporta sa akin.”

Matatandaan na ilang araw matapos manalo ni Hidilyn, ay sinabi niya na handa na siyang magpakasal sa kaniyang long-time boyfriend.

Please follow and like us: