Kaso ng Covid-19 sa buong mundo, umabot na sa 21.6 million

Pumalo na sa kabuuang 21,615,334 ang naitatalang kumpirmadong kaso ng Covid19 sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng Covid-19 ang Estados Unidos na may 5,529,789 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 3,317,832 na nagpositibo sa pandemya.

Nasa 2,589,208 naman ang kaso sa India habang 917,884 ang napaulat na kaso sa Russia.

Please follow and like us: